Mula sa Masa, Para sa Masa.
Matapos duminig at tumindig, tangan natin ang sidhi ng pananagutang ipinunla sa kamalayan ng lipunang pilit na binabahiran ng kasakiman at ibinabaon sa kasinungalingan.
Pamamahayag na Tulay, Pagkukuro na Patnubay.
Malayang pamamahayag ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng katotohanan at sambayanan. Sa pagkukurong kritikal, nagiging tanglaw at gabay ang bawat lathalaing ating isinalaysay.
Matang Didilat sa Masang Salat.
Maging mamamahayag na nagmumulat sa masang binalot ng dilim at katiwalian, upang ang mga namulat sa katotohanan ay hindi na muling pipikit. Bukas ang aplikasyon para sa The HERALDO FILIPINO hanggang Agosto 15 para sa mga sumusunod na larangan: News, Features, Literary, Sports, Art, Graphics & Layout, Photo, Video, at Web.
Makiisa sa #Makamasang Tanglaw—maging matang mapagmatyag at tanglawan ang masa.